The 80/20 Rule for Blog Promotion

Image
Unlocking the Power of the 80/20 Rule for Effective Blog Promotion In the fast-paced world of blogging, promoting your content effectively can often feel like an uphill battle. With countless blogs vying for attention, it's crucial to employ smart strategies to ensure your voice is heard. One powerful approach is the 80/20 rule, also known as the Pareto Principle. This principle suggests that 80% of your results come from just 20% of your efforts, and it can be a game changer for your blog promotion. Understanding the 80/20 Rule At its core, the 80/20 rule reminds us that not all efforts yield equal results. In blogging, this means that a small fraction of your promotional activities will generate the majority of your traffic, engagement, and ultimately, your success. By identifying and focusing on these high-impact strategies, you can maximize your results while minimizing your time and effort. For instance: Content Creation: You might discover that a handful of your blog posts a

Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian


Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian

1)      Payak – pangungusap na nagpapahayag ng isang diwa o kaispian lamang. Ito’y maaaring magtaglay ng payak o tambalang simuno o panaguri

Ang payak na pangungusap ay maaaring binubuo ng mga sumusunod:

a.       Payak na simuno at payak na panaguri.

Halimbawa:

Ako ay nagliligpit ng aking mga basura.

b.       Payak na simuno at tambalang panaguri.

Halimbawa:

Ako ay nagliligpit at nagsasaayos ng aking mga basura.

c.       Tambalang simuno at payak na panaguri.

Halimbawa:

Ikaw at ako ay dapat magligpit ng ating mga basura.

d.      Tambalang simuno at tambalang panaguri.

Halimbawa:

Ikaw at ako ay dapat magligpit at magsaayos ng ating mga basura.

 2)      Tambalan – pangunugasap na nagpapahayag ng dalawang kaispian at pinag-uuganay ng mga pangatnig na magkatimbang tulad ng at, pati, saka, o, ni, maging, ngunit.

Halimbawa:

Gusto kong kumain ng ice cream ngunit wala akong pera.

Ang nanay niya ay isang guro at ang kanyang tatay ay isang drayber.

Sasama ka sa palaruan o pupunta ka sa palengke?

 

3)      Hugnayan – pangungusap na binubuo ng isang punong kaisipan (sugnay na makapag-iisa) at isa pang katulong na kaisipan (sugnay na di-makapag-iisa). Pinag-uugnay ito ng pangatnig na di magkatimbang tulad ng kung, nang, bago, upang, kapag, pag, dahil sa, sapagkat. Kakikitaan ito ng relasyong sanhi at bunga.

Halimbawa:

Mataas ang pagtingin ng magulang ko sa kanya dahil sa magandang ugaling pinakita niya.

Magiting na ipinagtanggol ni Bob ang kanyang kakayahang sumayaw nang siya’y pagtawanan ng buong klase.

 

4)      Langkapan – pangungusap na binubuo ng dalawang punong kaisipan (sugnay na makapg-iisa) at isa pang katulong na kaisipan (sugnay na di-makapag-iisa). 

Halimbawa:

Tayo ang mamamayan ng Pilipinas at kailangan nating magtulungan upang tumatag ang ating ekonomiya.

         Si Linda ay natutulog habang naglalaro naman si Isay. 

Si Imelda ay isang manggagamot sa kanilang lugar.

Ang guro na nagturo ng karate kay girlie at nanalo ng unang timpalak sa Sea Games ay si Hazel Vasquez.4. 

Si Lawrence ay matalinong mag-aaral.

Awitin natin ang pambansang Awit ng Pilipinas ng nakalagay ang kamay sa kang dibdib bilang tanda ng pagbibigay galang sa ating watawat.

Ang mangga ang pambansang prutas ng Pilipinas. Ang may salungguhit na salita ay:

Inatasan ni Gng. Ilagan ang mga mag-aaral na gumawa ng Computer Assisted Instruction program.

Si Gng. Pader  ay nagwagi sa patimpalak.

Ang matandang lalaki na nakasalubong ng mga Filipino Medyor ay isang mangkukulam.

Matalino ang batang malaki ang ulo.

Comments

Popular posts from this blog

Early Language Literacy and Numeracy Assessment (ELLNA) Reviewer

DLL-CATCH-UP-FRIDAY-GRADE 3

FREE ELLNA REVIEWER-PART 2

UPDATED! 2ND QUARTER GRADE 3 DAILY LESSON LOG (DLL)