PANUTO:
Bumuo ng maskara. Sundin ang mga pamamaraan sa ibaba.
Pagbuo
ng Maskara
Pamamaraan:
1. Kumuha ng karton o lumang folder na may sapat
na laki para matakpan ang mukha.
2.
Gamit ang gunting, gupitin ang karton sa hugis na nais mo.
3.
Ilapat sa mukha at lagyan ng tanda kung saan nakatapat ang iyong mata, ilong at
bibig.
4.
Lagyan ng butas para sa mata, ilong at bibig.
5. Lagyan ng kilay at pagandahin ang mata,
ilong at bibig gamit ang iyong krayola.
6.
Maaari mong patangusin ang ilong sa pamamagitan ng pagputol ng 2x2 pulgada ng
karton o folder. Idikit ito sa tapat ng ilong ng maskara.
7.
Dagdagan pa ng hugis at kulay ang iyong maskara upang higit itong maging
kaakit-akit.
8. Pintahan ng watercolor ang iyong maskara.
9. Butasan ng maliit sa tigkabilang tabi
malapit sa tainga para sa ikakabit na rubber band.
10.
Isuot ang maskara at ipakita sa iyong guro gamit ang selpon ng magulang mo.
Sagutan ang
rubriks sa ibaba. Lagyan ng tsek (√) ang kolum ayon sa ginawang maskara.