Uri ng Pangungusap Ayon sa Kayarian
1)
Payak – pangungusap na nagpapahayag ng
isang diwa o kaispian lamang. Ito’y maaaring magtaglay ng payak o tambalang
simuno o panaguri
Ang payak na pangungusap ay maaaring binubuo ng mga
sumusunod:
a.
Payak na
simuno at payak na panaguri.
Halimbawa:
Ako ay nagliligpit ng aking mga basura.
b.
Payak na simuno at tambalang panaguri.
Halimbawa:
Ako ay nagliligpit at nagsasaayos
ng aking mga basura.
c.
Tambalang
simuno at payak na panaguri.
Halimbawa:
Ikaw at ako ay dapat magligpit ng
ating mga basura.
d.
Tambalang
simuno at tambalang panaguri.
Halimbawa:
Ikaw at ako ay dapat magligpit at magsaayos ng
ating mga basura.
2) Tambalan – pangunugasap na nagpapahayag ng dalawang kaispian at pinag-uuganay ng mga pangatnig na magkatimbang tulad ng at, pati, saka, o, ni, maging, ngunit.
Halimbawa:
Gusto kong kumain ng ice cream ngunit wala akong pera.
Ang nanay niya ay isang guro at ang kanyang tatay ay isang drayber.
Sasama ka sa palaruan o pupunta ka sa palengke?
3)
Hugnayan – pangungusap na binubuo ng isang
punong kaisipan (sugnay na makapag-iisa) at isa pang katulong na kaisipan
(sugnay na di-makapag-iisa). Pinag-uugnay ito ng pangatnig na di magkatimbang
tulad ng kung, nang, bago, upang, kapag, pag,
dahil sa, sapagkat. Kakikitaan ito ng relasyong sanhi at bunga.
Halimbawa:
Mataas ang pagtingin ng magulang ko sa kanya dahil sa magandang ugaling pinakita niya.
Magiting na ipinagtanggol ni Bob ang kanyang
kakayahang sumayaw nang siya’y
pagtawanan ng buong klase.
4)
Langkapan – pangungusap na binubuo ng
dalawang punong kaisipan (sugnay na makapg-iisa) at isa pang katulong na
kaisipan (sugnay na di-makapag-iisa).
Halimbawa:
Tayo ang mamamayan ng Pilipinas at kailangan nating
magtulungan upang tumatag ang ating ekonomiya.
Si Imelda ay isang manggagamot sa
kanilang lugar.
Ang guro na nagturo ng karate kay
girlie at nanalo ng unang timpalak sa Sea Games ay si Hazel Vasquez.4.
Si Lawrence ay matalinong
mag-aaral.
Awitin natin ang pambansang Awit
ng Pilipinas ng nakalagay ang kamay sa kang dibdib bilang tanda ng pagbibigay
galang sa ating watawat.
Ang mangga ang pambansang prutas ng Pilipinas. Ang may salungguhit na salita ay:
Inatasan ni Gng. Ilagan ang
mga mag-aaral na gumawa ng Computer Assisted Instruction program.
Si Gng. Pader ay
nagwagi sa patimpalak.
Ang matandang lalaki na
nakasalubong ng mga Filipino Medyor ay isang mangkukulam.
Matalino ang batang malaki ang
ulo.