Ang melodiya ay ang sunud-sunod na pahalang na pagkakaayos ng mga nota sa limguhit. Tinutukoy din nito ang tono o himig ng isang tugtugin o awitin. Ito ay maingat at maayos na ginawa upang makapagbigay ng kaaya-aya at magandang tunog.
Ang melodiya ay binubuo ng mataas at mababang tono o pitch. Mayroon ding katamtamang taas at katamtamang baba ng tono.
Ang pamaraang Kodaly na ipinakilala ni Zoltan Kodaly ng Hungaria ay makatutulong upang lubusan mong makita ang antas ng mga tunog gamit ang senyas Kodaly. Tingnan ang senyas Kodaly sa ibaba. Ito ay nagpapakita ng pagtaas at pagbaba ng tono.