Ang pang-ukol ay mga salitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-abay
at sa iba pang mga salita sa pangungusap. Ang mga pang-ukol ay nagsasabi kung
saan naroon ang isang bagay at tao, kung saan ito nagmula at kung saan ito patungo. (itinuturo nito ang lugar o layon)
Mga Halimbawa ng Pang-Ukol
Ilan sa mga halimbawa ng bahagi ng pananalita na ito na kadalasan ay ginagamit sa pangungusap ay ang ng, sa, ni o nina, para sa, at ayon sa. Narito ang gamit ng bawat isa at mga halimbawa:
Ng – Ito ay nagbibigay ugnayan sa pagitan ng isang kabuuan at isang bahagi.
- Anak ng bayan ang turing sa Bise Alkalde simula pa noong bata pa lamang siya.
Sa – Nagpapahayag ng pag-uukol ng isang bagay sa isang pang bagay.
- Kamay sa baywang na humarap ang ina ng batang nagsumbong ng pamamalo mula sa guro.
Ni o Nina – Ito ay nagpapahayag ng pagmamay-ari ng isang bagay.
- Ang telepono ni Juan ay naiwan sa loob ng sasakyan.
Para sa – Ito ay nagpapahayag ng pinag-uukulan.
- Para sa mga bata sa kalye ang mga biniling pagkain ni Juanito.
Ayon sa – Ito ay nagpapahayag ng pinanggalingan o basehan ng isang bagay.
- Ayon sa ama ni Manuel, maaga siyang umalis ng kanilang bahay at hindi na nakabalik noong tanghali.
Karagdagang Halimbawa ng Karaniwang Pang-ukol
sa/sa mga ng/ng mga ni/nina
kay/kina nang may para
sa/kay
sa/kay tungo
sa tungkol
sa/kay
ayon sa/kay mula
sa sa harapan/
sa ibabaw sa
pagitan sa likod
Sa iyong sagutang papel, lagyan ng tsek (ΓΌ) kung ang mga salita o parirala ay pang-ukol at ekis (Γ» ) naman kung hindi.
__________ 1. sa gitna
__________ 2. masipag
__________ 3. kina
__________ 4. para kay
__________ 5. sa mga
__________ 6. masarap
__________ 7. sa isang buwan
__________
8. kay
__________ 9.
masaya
__________
10. Bukas
Lagyan ng tsek (ΓΌ) ang pangungusap kung ang may salungguhit na salita o parirala ay pang-ukol at ekis (x) naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
____
1. Nag-aaral ng mabuti ang mga bata.
____
2. Ang mga turista ay masayang namasyal sa buong lalawigan.
____
3. Sumulat ng tula si Rosa tungkol sa probinsya ng Cavite.
____
4. Ang General Trias ay isang bayan ng Cavite.
____
5. Ang mga sariwang gulay na mula sa bayan ng Laguna ay nasa ibabaw ng mesa.
Ibigay ang maaaring solusyon sa sumusunod na suliranin. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1.
Suliranin: Hindi nagsusuot ng face mask ang ilan
sa mga kapitbahay ninyo tuwing lalabas ng bahay.
Solusyon: ________________________________________________________________________.
2.
Suliranin: Marami sa mga kababayan mo sa Rizal na
nasalanta ng bagyo ang nangangailangan nang tulong. Solusyon:________________________________________________________________________.
3. Suliranin: Ipinapapasa ng iyong guro ang modyul sa Filipino sa darating na Biyernes ngunit hindi ka pa tapos
d ahil ikaw ay
marami pang hindi nasasagutan.
Solusyon:________________________________________________________+_______________.
4. Suliranin: Nakita mo na maraming hugasing pinggan sa kusina ngunit ang iyong Nanay ay marami pang ginagawa.
Solusyon: ________________________________________________________________________.
5.
Suliranin: Napanood mo sa balita na bawal
lumabas ng bahay ang mga batang kagaya mo, ngunit may gusto kang bilhing
pagkain sa tindahan.
Solusyon: ________________________________________________________________________.