Elemento ng Maikling Kwento
Elemento ng Maikling Kwento
Ang mga elemento ng kuwento ay
nagsisilbing gabay sa mga mambabasa upang mas maintindihan nila ang kwentong binasa.
Ito ay anyo ng panitikan na nagsasaad
ng isang buong kwento na kayang tapusing basahin sa isang upuan lamang. Ang
maikling kwento ay kadalasang sinusulat upang madulot aliw sa mga mambabasa at
magturo ng mga aral sa buhay.
Mayroong walong(8) elemento ng
maikling kwento. Ang mga ito ay ang tauhan, tagpuan, banghay, kaisipan,
suliranin, tunggalian, at paksang diwa.
Tatalakayin sa artikulong ito ang
walong(8) elemento ng maikling kwento at kanilang mga kahulugan.
1.
Tauhan – Ito ay tumutukoy sa mga
panauhin sa kwento. Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May
pangunahing tauhan kung kanino nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong
na tauhan.
2. Tagpuan – Ito ay
tumutukoy kung saan naganap ang kwento. Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa
iba't ibang lugar, sa iba't ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga
pangyayari.
3. Banghay – Ito ay
tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento. Mayroong limang(5)
bahagi ang banghay:
·
Panimula – Kung saan at paano nagsimula
ang kwento.
·
Saglit na Kasiglahan – Ito ay
ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa kwento. Inihahanda sa bahaging ito
ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga
tauhan
·
Kasukdulan – Dito na nangyayari ang
problema sa kwento. Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito
nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y
mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.
·
Kakalasan – Ito ay tumutukoy sa parte kung
saan unti-unti nang naaayos ang problema. Ito ang kinalabasan ng paglalaban.
Sumusunod ito agad sa kasukdulan.
·
Wakas – Ito ay tumutukoy kung paano
nagwakas o natapos ang kwento. Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang
tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing
tauhan. Tinatawag na melodrama kapag may malungkot na sangkap subalit
nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting tauhan.
4. Kaisipan – Ito ay ang
mensahe ng maikling kwento sa mambabasa.
5. Suliranin – Ito ay
tumutukoy sa problemang ikinakaharap ng tauhan sa kwento. Tumutukoy ito sa
paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay
maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa
Tao/lipunan.
7. Tunggalian – Ito ay
maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, o tao
laban sa kalikasan.