LESSON
EXEMPLAR |
School |
Paciano
Rizal Elementary School |
Grade Level |
Grade 3 |
Teacher |
B. BAUTISTA |
Learning Area |
MUSIC |
|
Teaching Date |
May 24, 2023 |
Quarter |
4th Qurater WEEK 5 |
|
Teaching Time |
7:30-8:20 |
No. of days |
1 DAY |
|
|
I. OBJECTIVES |
Sa
araling ito, ang mga mag- aaral ay inaasahang: a. Nakikilala at nagagamit ang pang-abay na pamaraan sa magkakaibang
antas ng paghahambing (mt3g-ivf-g-2.5.2). b. Natutukoy
ang pang-abay na pamamaraan sa pangungusap |
A. Content Standards |
|
B. Performance Standards |
Nakikilala
at nagagamit ang pang-abay na pamaraan sa magkakaibang antas ng paghahambing (mt3g-ivf-g-2.5.2). |
C. Most Essential Learning Competencies (MELC) (If available, write the indicated MELC) |
Natutukoy
ang pang-abay na pamamaraan sa pangungusap
|
D. Enabling Competencies (If available, write the attached enabling
competencies) |
|
II. CONTENT |
Paggamit ng Pang-abay na Pamamaraan |
III. LEARNING RESOURCES |
|
A. References |
K-12
Curriculum MELC-
Exemplar PIVOT4A Ikaapat na Markahan |
a. Teacher’s
Guide Pages |
|
b. Learner’s
Material Pages |
Module
pages 21-22 |
c. Textbook
Pages |
|
d. Additional
Materials from Learning Resources |
·
mga larawan ·
Powerpoint presentation · video |
B. List of Learning Resources for
Development and Engagement Activities |
https://www.youtube.com/watch?v=RY4nD1qjQg4 |
IV. PROCEDURES |
|
A.
Panimula (Introduction) |
Pagganyak Pagmasdan ang larawan Pag-aralan
ang mga larawan sa ibaba
kung paano ginamit ang mga pang-abay na
pamamaraan Ano ang sinasabi tungkol sa bata? Paano siya nahawa? Paano
gumaling ang bata? Paano siya
magtanim? |
A.
Pagpapaunlad B.
(Development) |
1.
Panoorin ang kuwento ng isang mag-aaral sa Ikatlong
Baitang na sumali sa isang paligsahan. 2.
Pagaralan ang mga salitang may salungguhit. Ano kaya ang tawag sa mga
salita o pariralang may salungguhit? 3.
Pagkatapos ay sagutin ang mga sumunod na tanong sa
iyong sagutang papel. “Kuwento ng Isang Tsampiyon” 4.
Sagutin
ang mga tanong: 1.
Anu-ano ang mga salitang may salungguhit sa kuwento?
2.
Ano ang inilalarawan ng mga salita o pariralang ito? 3. Alam mo ba ang tawag sa mga salita o pariralang ito? 5. pagbibigay ng iba pang halimbawa. A. Panuto: Punan ang patlang sa bawat pangungusap ng angkop na pang-abay na pamamaraan upang mabuo ang mga pangungusap. Pumili sa kahon ng tamang pangabay. mabilis maagang masusing mas pinaka nagmamadali 1.
_____________ ang paglago ng bayan ng Lucena. 2.
May pupuntahan si ate kaya _________________ siyang naghilamos at
nagsepilyo ng ngipin. 3.
Isa sa ______________ magandang bayan ang bayan ng Calamba, Laguna. 4.
_______________ gumising si nanay para magluto ng almusal. ________ mainam pitasin ang mga bunga ng rambutan sa
umaga |
c.
Pakikipagpalihan C.
(Engagement) |
Pangkatang
Gawain: Salungguhitan ang pang-abay
na pamaraan sa pangungusap. Gumuhit ng arrow mula sa pang-abay hanggang sa
pandiwa na inilalarawan ng pang-abay. Halimbawa: Group 1: 1. Ang sanggol sa kuna ay
natutulog nang mahimbing. 2. Mahusay tumugtog ng
byolin si Angela. 3. Dahil sa galit, umakyat
nang padabog ang bata. 4. Matiyagang hinihintay ng
mga bata ang kanilang ama. 5. Pahiyaw na tinawag ang
pangalan ng lalaki. Group 2: 1. Dali-daling bumalik si Joy sa kanyang
tahanan. 2. Nagulat kami dahil
biglang bumukas ang pinto. 3. Malakas na humihilik sa
Warren sa gabi. 4. Sinabi ni Gemma sa akin
nang pabulong ang sikreto niya. 5. Ang hangin sa
tabing-dagat ay umihip nang napakalakas. Group 3: 1. Naglakad na nakayuko ang
malungkot na binata. 2. Nagmamaneho nang maingat
ang bagong drayber. 3. Lumabas sa silid na
nakapila ang mga mag-aaral. 4. Madali nilang nahanap ang
lumang simbahan sa mapa. 5. Isa-isa silang nag-alay ng bulaklak sa imahen Group
4: 1.
Maingat na ibinalik niya ang alahas sa lalagyan nito. 2. Ang tagahatid-sulat ay mabilis maglakad. 3.
Sumagot nang pasigaw ang tsuper ng dyip. 4. Dali-dalin niyang kinain ang kanyang almusal. 5. Ang mag-anak ko ay tahimik na namumuhay sa probinsiya. Group 5: 1.
Ang mga damit ay itiniklop ni Weng nang maayos. 2.
Masipag na
nag-aaral
ang mga kapatid ko. 3.
Ang mga liham na iyan ay binasa niya nang palihim. 4.
Kalayaan ang taimtim na hinahangad ng mga tao. 5.
Ang dyanitor ay nagmamadaling umakyat ng hagdan. |
Assimilation |
Panuto: Tukuyin ang angkop na pang-abay upang mabuo nang maayos ang
pangungusap. Piliin ang angkop na pang-abay sa panaklong. 1. Kailangang magsagot ni Pia ng modyul kaya
gumising siya nang (maaga, tanghali, gabi) ngayong araw na ito. 2. Ang mga mag-aaral ay (maaga, mabilis, mas
mabilis) magsumite ng kanilang proyekto kaysa nakaraang taon. 3. (Mabagal, Mas Mabagal, Pinakamabagal)
magsepilyo si Johne sa lahat ng kanyang mga pinsan. 4. Si Allen ay (mahina, masaya, malakas) na
tumawa sa biro ng kanyang kapatid. 5. Kami ay (malungkot,
masiglang, masipag) pupunta sa parke. |
V. PAGNINILAY (Reflection) D. |
Pagsusulat ng
journal ng mga
mag-aaral hinggil sa repleksiyon na natutunan nila sa
aralin. Panuto: Magsulat ng repleksyon
gamit ang sumusunod na prompt: Naramdaman ko habang pinag-aaralan
ang aralin na _______________________________________. Napag-isi-isip ko na
________________________________________.
|