Filipino 3 Remedial Lesson Q1-W1

Filipino 3 Remedial Lesson Q1-W1


Most Essential Learning Competency:

* Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa tao, lugar at bagay sa paligid.
* Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kwento, talata, usapan at tula

 Pamagat ng Aralin:
*Paggamit ng pangngalan sa pangungusap na pasalaysay
*Pagsagot sa mga tanong tungkol sa talata

 PANUTO : Bilugan ang pangngalang ginamit sa bawat pangungusap.

    1.      Sama sama silang nagsisimba sa Imus Cathedral.

2.      Si Mayor Emmanuel Maliksi ay ang masipag.

3.      Bumili siya ng longganisang Imus kahapon.

4.      Darating na si Lolo Jose mamaya.

5.      Magbabakasyon sila sa lalawigan.

 PANUTO :   Basahin at unawaing  mabuti ang maikling talata tungkol sa pandemyang kinakaharap natin at sagutin ang mga tanong ukol dito.

 COVID-19

       Sa panahong ito ng pandemya, maraming paalala ang dapat nating gawin. Ilan sa mga ito ay ang paghuhugas lagi ng kamay gamit ang sabon, paglalagay  ng alcohol at paggamit ng mask at face shield kapag lumalabas . Ang lahat ay kailangan mag-ingat, bata man o matanda. Social distancing ay dapat ding sundin. Iwasan rin ang pagpunta sa mataong lugar tulad ng mall at pagpunta sa mga pagtitipon. Gayundin ang mga hayop ay kailangan ding alagaan, ang mga aso ay pamalagiing nasa loob ng bahay upang ligtas sa virus. Ang lahat ng ito ay  huwag isawalang bahala ng kaligtasan at paghahawaan ay maiwasan.

 

1.      Anong pandemyang kinakaharap ng ating bansa ngayon?

____________________________________________________________

 

2.      Bilang bata sa ikatlong baitang sa paanong paraan kaya ikaw makatutulong para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19?

_____________________________________________________________

3.      Bakit kailangang panatilihing malinis ang ating sarili at malusog ang ating pangagatawan sa araw araw?

_______________________________________________________________

4.      Sa iyong palagay, bakit kailangang hindi ipawalang bahala ang kinakaharap nating pandemya sa ngayon?

_______________________________________________________________

No comments:

Post a Comment

Investing for Beginners: A Step Towards Financial Freedom

     In a world where financial stability is key to achieving dreams and ensuring security, investing is no longer a luxury but a necessity....