PANG-UKOL – Ano Ang Pang-ukol & mga Halimbawa Nito


PANG-UKOL

    Ang pang-ukol ay mga salitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-abay at sa iba pang mga salita sa pangungusap. Ang mga pang-ukol ay nagsasabi kung saan naroon ang isang bagay at tao, kung saan ito nagmula at kung saan ito patungo. (itinuturo nito ang lugar o layon)

Mga Halimbawa ng Pang-Ukol

Ilan sa mga halimbawa ng bahagi ng pananalita na ito na kadalasan ay ginagamit sa pangungusap ay ang ng, sa, ni o nina, para sa, at ayon sa. Narito ang gamit ng bawat isa at mga halimbawa:

Ng – Ito ay nagbibigay ugnayan sa pagitan ng isang kabuuan at isang bahagi.

  • Anak ng bayan ang turing sa Bise Alkalde simula pa noong bata pa lamang siya.

Sa – Nagpapahayag ng pag-uukol ng isang bagay sa isang pang bagay.

  • Kamay sa baywang na humarap ang ina ng batang nagsumbong ng pamamalo mula sa guro.

Ni o Nina – Ito ay nagpapahayag ng pagmamay-ari ng isang bagay.

  • Ang telepono ni Juan ay naiwan sa loob ng sasakyan.

Para sa – Ito ay nagpapahayag ng pinag-uukulan.

  • Para sa mga bata sa kalye ang mga biniling pagkain ni Juanito.

Ayon sa – Ito ay nagpapahayag ng pinanggalingan o basehan ng isang bagay.

  • Ayon sa ama ni Manuel, maaga siyang umalis ng kanilang bahay at hindi na nakabalik noong tanghali.


Karagdagang  Halimbawa ng Karaniwang Pang-ukol

 sa/sa mga         ng/ng mga                     ni/nina                                                                         

kay/kina           nang may                       para sa/kay

sa/kay               tungo sa                          tungkol sa/kay                

ayon sa/kay       mula sa                          sa harapan/                                                                                                      

sa ibabaw          sa pagitan                    sa likod

  Sa iyong sagutang papel, lagyan ng tsek (ü) kung ang mga salita o parirala ay pang-ukol at ekis (û ) naman kung hindi.

__________ 1. sa gitna 

__________ 2. masipag

 __________ 3. kina

__________ 4. para kay 

__________ 5. sa mga

__________ 6. masarap 

__________ 7. sa isang buwan 

__________ 8. kay

__________ 9. masaya

__________ 10. Bukas

 Lagyan ng tsek (ü) ang pangungusap kung ang may salungguhit na salita o parirala ay pang-ukol at ekis (x) naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

____ 1. Nag-aaral ng mabuti ang mga bata.

____ 2. Ang mga turista ay masayang namasyal sa buong lalawigan.

____ 3. Sumulat ng tula si Rosa tungkol sa probinsya ng Cavite.

____ 4. Ang General Trias ay isang bayan ng Cavite.              

____ 5. Ang mga sariwang gulay na mula sa bayan ng Laguna ay nasa ibabaw ng mesa.


 Ibigay ang maaaring solusyon sa sumusunod na suliranin. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1. Suliranin: Hindi nagsusuot ng face mask ang ilan sa mga kapitbahay ninyo tuwing lalabas ng bahay.

Solusyon: ________________________________________________________________________.

2. Suliranin: Marami sa mga kababayan mo sa Rizal na nasalanta ng bagyo ang nangangailangan nang tulong. Solusyon:________________________________________________________________________.

3. Suliranin: Ipinapapasa ng iyong guro ang modyul sa Filipino sa darating na Biyernes ngunit hindi ka pa tapos 

d ahil ikaw ay marami pang hindi nasasagutan.

Solusyon:________________________________________________________+_______________.

4. Suliranin: Nakita mo na maraming hugasing pinggan sa kusina ngunit ang iyong Nanay ay marami pang ginagawa.   

Solusyon: ________________________________________________________________________.

5. Suliranin: Napanood mo sa balita na bawal lumabas ng bahay ang mga batang kagaya mo, ngunit may gusto kang bilhing pagkain sa tindahan.          

Solusyon: ________________________________________________________________________.

No comments:

Post a Comment

Investing for Beginners: A Step Towards Financial Freedom

     In a world where financial stability is key to achieving dreams and ensuring security, investing is no longer a luxury but a necessity....