The 80/20 Rule for Blog Promotion

Image
Unlocking the Power of the 80/20 Rule for Effective Blog Promotion In the fast-paced world of blogging, promoting your content effectively can often feel like an uphill battle. With countless blogs vying for attention, it's crucial to employ smart strategies to ensure your voice is heard. One powerful approach is the 80/20 rule, also known as the Pareto Principle. This principle suggests that 80% of your results come from just 20% of your efforts, and it can be a game changer for your blog promotion. Understanding the 80/20 Rule At its core, the 80/20 rule reminds us that not all efforts yield equal results. In blogging, this means that a small fraction of your promotional activities will generate the majority of your traffic, engagement, and ultimately, your success. By identifying and focusing on these high-impact strategies, you can maximize your results while minimizing your time and effort. For instance: Content Creation: You might discover that a handful of your blog posts a

Elemento ng Maikling Kwento

 

Elemento ng Maikling Kwento


 Elemento ng Maikling Kwento

          Ang mga elemento ng kuwento ay nagsisilbing gabay sa mga mambabasa upang mas maintindihan nila ang kwentong binasa.

          Ito ay anyo ng panitikan na nagsasaad ng isang buong kwento na kayang tapusing basahin sa isang upuan lamang. Ang maikling kwento ay kadalasang sinusulat upang madulot aliw sa mga mambabasa at magturo ng mga aral sa buhay.

          Mayroong walong(8) elemento ng maikling kwento. Ang mga ito ay ang tauhan, tagpuan, banghay, kaisipan, suliranin, tunggalian, at paksang diwa.

          Tatalakayin sa artikulong ito ang walong(8) elemento ng maikling kwento at kanilang mga kahulugan.

 

1.    Tauhan – Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento. Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May pangunahing tauhan kung kanino nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong na tauhan.

 

2. Tagpuan – Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang kwento. Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari. 

 

3. Banghay – Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento. Mayroong limang(5) bahagi ang banghay:

·         Panimula – Kung saan at paano nagsimula ang kwento.

 

·         Saglit na Kasiglahan – Ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa kwento. Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan 

 

·         Kasukdulan – Dito na nangyayari ang problema sa kwento. Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin. 

·         Kakalasan – Ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naaayos ang problema. Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan.

·         Wakas – Ito ay tumutukoy kung paano nagwakas o natapos ang kwento. Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag na melodrama kapag may malungkot na sangkap subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting tauhan.

 

4. Kaisipan – Ito ay ang mensahe ng maikling kwento sa mambabasa.

 

5. Suliranin – Ito ay tumutukoy sa problemang ikinakaharap ng tauhan sa kwento. Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat sa kanya. Ang tunggalian ay maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa sarili, Tao laban sa Tao/lipunan. 

 

7. Tunggalian – Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, o tao laban sa kalikasan.

 

            8. Paksang Diwa – Ito ay ang pinaka-kaluluwa ng kwento. 





Comments

Popular posts from this blog

Early Language Literacy and Numeracy Assessment (ELLNA) Reviewer

DLL-CATCH-UP-FRIDAY-GRADE 3

FREE ELLNA REVIEWER-PART 2

UPDATED! 2ND QUARTER GRADE 3 DAILY LESSON LOG (DLL)