Pagpapakita ng Pagpaparami ng Bilang 1 Hanggang 10

 Pagpakita (visualizing) ng pagpaparami (multiplication) ng bΓ­lang na 6, 7, 8, at 9. 

Tingnan ang halimbawa sa ibaba ng pagpapakita (visualizing) ng pagpaparami (multiplication). 

Si Dan ay may iba’t ibang prutas sa basket. Mayroon siyang 3 saging, 3 mansanas, 3 mangga, 3 bayabas, 3 pinya, at 3 dalandan. Ilan lahat ang kaniyang prutas? 

 Bilangin ang prutas.

IlΓ‘ng pangkat ng prutas mayroon si Dan? 

Si Dan ay may anim (6) na pangkat ng prutas.

 IlΓ‘ng prutas mayroon sa bawat pangkat? 

Mayroong tatlong (3) prutas sa bawat pangkat. Ilan lahat ang prutas? 

Si Dan ay mayroong18 prutas lahat.

 repeated addition 3 + 3 + 3 + 3 + 3 + 3 = 18 

multiplication sentence 6 x 3 = 18


Tingnan ang iba pang halimbawa sa ibaba upang lubusang maunawaan ang pagpaparami (multiplication) ng bΓ­lang na 6, 7, 8 at 9

Si Mel ay bumili ng siyam (9) na kahon ng doughnut. Kung ang laman ng bawat kahon ay walong (8) pirasong doughnut, ilan lahat na pirasong doughnut ang nabili ni Mel?

Bumili si Mel ng siyam (9) na kahon ng doughnut. 

Sa bawat kahon ay may walong (8) doughnut. 

Isulat nang paulit-ulit na pagdaragdag (repeated addition). 

 8 + 8 + 8 + 8 + 8 + 8 + 8 + 8 + 8 = 72 

Isulat ng pamilang na pagpaparami (multiplication Sentence). 

 9 x 8 = 72 

Sagot: Si Mel ay bumili ng 72 na doughnut.


Reference:

 Math 3 PIVOT 4A Learner’s Material, pp 6-7

No comments:

Post a Comment

Investing for Beginners: A Step Towards Financial Freedom

     In a world where financial stability is key to achieving dreams and ensuring security, investing is no longer a luxury but a necessity....