MABUTING KAUGALIAN NG PAMILYANG PILIPINO
Baitang: 3
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Piliin at isulat ang tamang sagot.
1. Ano ang ibig sabihin ng mabuting kaugalian ng pamilyang Pilipino?
A. Pagkakaroon ng maraming gamit
B. Pagpapakita ng respeto, pagmamahal, at pagtutulungan sa pamilya
C. Paglalaro ng computer games
D. Paglakad-lakad sa mall
2. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng mabuting kaugalian sa loob ng pamilya?
A. Nakikinig sa payo ng magulang
B. Pagsisinungaling sa kapatid
C. Pag-aaway sa hapag-kainan
D. Pagwawalang-bahala sa kapatid
3. Bakit mahalaga ang pagpapanatili ng mabuting kaugalian sa rehiyong kinabibilangan?
A. Para makipagkumpetensya sa ibang lugar
B. Para maipakita ang respeto at pagmamahal sa pamilya at komunidad
C. Para makalimot sa nakaraan
D. Para maglakad-lakad sa kalsada
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi mabuting kaugalian ng pamilyang Pilipino?
A. Pag-aalaga sa mga nakatatanda
B. Paggalang sa magulang at kapatid
C. Pag-aaway at pagsisinungaling sa isa’t isa
D. Pagtutulungan sa gawaing bahay
5. Ano ang maaari mong gawin upang mapanatili ang mabuting kaugalian sa iyong pamilya?
A. Makinig sa payo ng magulang at tumulong sa gawaing bahay
B. Pumunta sa kalye at maglaro ng malakas
C. Iwasan ang mga kapatid at magkwento ng hindi totoo
D. Huwag makinig sa payo ng nakatatanda
6. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pagpapakita ng paggalang sa nakatatanda?
A. Hindi nakikinig sa payo ng lolo at lola
B. Nakikinig at tumutulong sa mga nakatatanda
C. Naglalaro ng malakas habang nag-uusap ang nakatatanda
D. Iniwan ang bahay ng walang paalam
7. Ano ang maituturing na mabuting kaugalian kapag may bisita sa bahay?
A. Pagbati at pag-anyaya na maupo
B. Pag-aaway sa bisita
C. Pagsasabi na umalis agad ang bisita
D. Pagwawala sa kalye habang may bisita
8. Alin ang tamang halimbawa ng pagtutulungan sa pamilya?
A. Pagtutulungan sa paglilinis ng bahay
B. Pag-iwan sa kapatid na naglilinis mag-isa
C. Pag-aaway habang nagluluto
D. Pagkain ng hindi nahahati sa lahat
9. Ano ang tamang gawin kapag may problemang pampamilya?
A. Mag-usap at magtulungan upang malutas ang problema
B. Huwag pansinin ang problema
C. Mag-away sa isa’t isa
D. Lumayo at huwag makipag-ugnayan
10. Bakit dapat panatilihin ang mabuting kaugalian ng pamilyang Pilipino sa bawat rehiyon?
A. Para maging masaya ang pamilya at komunidad
B. Para magpakitang-gilas sa ibang rehiyon
C. Para makalimot sa tradisyon
D. Para makasama sa paligsahan
No comments:
Post a Comment